last day na namin sa puerto sa enjoy to the max na kami. yung mga boys, naligo ulit sa beach nung umaga hanggang tanghali. while ako nagpa henna sa braso... tingnan niyo na lang sa pics yung itsura ng henna. hehe...
3:30 p.m yung sched ng bangka namin pabalik ng pier. pero 4:00 p.m na din kami nakasakay ng bangka. pero ok lang.. nagkaron pa tuloy ng chance si jp, arjay, at reuel sa kanilang last minute shopping galore.
iba yung sinakyan naming bangka pabalik sa pier. roro yung sinakyan namin. first time kong nakasakay dun at nakakahilo pala. lol... parang mas nakakahilo pa sumakay dun. haaay... 5:30 p.m na kami nakabalik ng pier. at almost 7 p.m na nakaalis yung bus na sinakyan namin pabalik ng manila kasi super dalang lang ng mga pasahero. mabilis naman mag maneho yung driver... kaya by 9 p.m eh nasa LRT buendia na kami.
nag dinner kami ni bhebhe sa yellowcab vito cruz den umuwi na kami. super tired yet super fun (^_^)
sa lahat ng mga sumama.. mga high school friends ko (jp, reuel, carlos, arjay, jules)... kay nina... kay bhebhe... super thank you kasi nag enjoy ako...
to reuel, HAPPY BIRTHDAY!!! sana nag enjoy ka sa puerto galera. kasi ako, i really had a great time! sana maulit ulit to! teka... sino na ba susunod na mag bbirthday? kelan ang next out of town natin? SUMMER na!!! (^_^)